
for those people who can’t articulate everything that they would like to say
Everyone, I’m elated to tell you that Tumblr will be joining Yahoo.
Before touching on how awesome this is, let me try to allay any concerns: We’re not turning purple. Our headquarters isn’t moving. Our team isn’t changing. Our roadmap isn’t changing. And our mission – to empower creators to make their best work and get it in front of the audience they deserve – certainly isn’t changing.
So what’s new? Simply, Tumblr gets better faster. The work ahead of us remains the same – and we still have a long way to go! – but with more resources to draw from.
Yahoo is the original Internet company, and Marissa and her team share our dream to make the Internet the ultimate creative canvas. I couldn’t be more excited to have her help. We also share a vision for Tumblr’s business that doesn’t compromise the community and product we love. Plus both our logos end with punctuation!
As always, everything that Tumblr is, we owe to this unbelievable community. We won’t let you down.
Fuck yeah,
David
Amalayer meets the Great Lawyer.
Every person has a powerful testimony to their test :)
Hindi artista pero naging sikat. Hindi karumal dumal na balita pero pinag-usapan. Sa isang iglap gumawa ng ingay at kalaunan ay naging mute na ang volume ng cyberworld at media-world sa insidenteng kinasangkutan ng isang ordinaryong babae na kadalasang pasahero ng LRT-2.
Noon:
Tinagurian siyang ‘amalayer’ girl na nanigaw ng isang babaeng security guard. Hindi man alam ng taong bayan ang kabuuan ng istorya ng pangyayaring yun, sumalo ng maraming ‘reaksyon’ at ‘komento’ ang ‘amalayer’ girl na ito. Siguro ganon talaga sa cyberworld at mediaworld, uso ang assumptions at jumping into conclusions. Naging trending sa facebook, twitter at youtube ang ‘amalayer’. Ginawang katatawanan at ginawang laruan ang isyu sa cyberworld. Walang araw na hindi mo ito maririnig sa mga tao at walang araw na hindi mo ito makikita sa mga social networks. Sa kabila ng pakikisawsaw sa issue, hindi man lang naisip ng mga ito kung ano ang dulot nito sa nasangkot sa insidente. Nakita lang natin ang ibabaw ng issue (there’s a disrespect issue sa security guard). Pinakinggan man natin ang kabuuan ng insidente pero ‘wala’ na lang sa atin yun, ang importante naging maingay at napag usapan na.
Unheard Voice: Sa bawat pambubully ng cyberworld at kahit sa publiko, isang malaking negatibong epekto ang naging dulot nito sa buhay ni Paula Salvosa kung saan humantong sa punto na gusto na niyang pabago ang kanyang pangalan para lang makamove on. Sa isang maliit na insidente nagulo ang buhay niya at naguluhan siya sa pagkatao niya. Dahil lang sa pambubully tila guguho na ang kanyang mundo at mga pangarap na kahit sino nalang ay kanyang kinatatakutan.
Ngayon:
Lumabas ang balita na, si Paula Salvosa, ay na-reach out ng isang church sa Caloocan City. Siya ay nagsimula ng umattend ng church gathering sa kabila ng insidenteng kanyang kinasangkutan. May mga taong nagparamdam sa kanya na may nagmamahal sa kanya at kaya siyang patawarin sa kung anumang kasalanang ginawa niya. Mga taong nagpakita sa kanya na sa mundong ito mayroon pa ring tutulong sa kanya para tumayo at magpatuloy sa buhay. Nakakapagtaka, hindi ito naging trending. Hindi pinagkaguluhan at hindi pinag usapan ng media at hindi naging maingay ang cyberworld. Hindi siguro “in” ang balitang ito. Siguro ganon lang talaga dito sa mundo.
PANG-HABANG BUHAY:
Isang bagay ang natutunan niya: Mahal siya ng Diyos at matutunan lang niyang magpatawad kung tatanggapin niya ang pagpapatawad ni Hesus. Napatawad na niya ang security guard, and nag upload ng video at ang mga nambully sa kanya. Sa kabila ng kanyang pinagdaanan, nalaman ni Paula Salvosa na may nagmamahal sa kanya at higit sa mga taong nandito sa mundo ay ang Diyos na lumikha sa kanya. She found her real identity in Christ.
Anuman ang pagbabago na meron sa buhay ni Paula (tulad ng sinabi niya ay nagkaroon siya ng personal na relasyon sa Panginoon) ay paniguradong pang habang buhay at hindi na kailanman makukuha sa kanya.
Paula once said: “I WAS amalayer, now, I AM a princess of God.”
Hindi man ako news reporter, hindi man ako journalist, ito ang balitang gusto kong ipahayag at kung mahina man ang ingay na aking nagagawa sa pagsusulat na ito, ang importante nakagawa ako ng mabuting ingay na umaalingawngaw sa cyberworld na ito. Ako ay nagagalak sa buhay na mayroon na si Paula Salvosa ngayon.
Lahat tayo ay nabubuhay sa isang layunin. Mayroong layunin na mabuti at mayroon ding layunin na masama. Noon nakita ni Paula na may mga tao na ang layunin ay manakit, manira at manggulo ng buhay, pero ngayon nakita ni Paula na may mga tao na ang layunin ay magmahal, tumulong at makisimpatiya. At tulad ng inaasahan, yun din ang gusto niyang gawin sa kanyang kapwa. Ikaw ano nga ba ang layunin mo?